Sa artikulong "Chinatown's Taxi" ni Ricardo Liong, ang Hari ng kalsada sa Chinatown noong 1950 ay ang kalesa. ang mga pasahero noon ay 90% Tsinoys, 10% Pinoys, Bombays, at iba pa. Nabanggit sa artikulo na mas interesado ang mga pasahero sa mga kutsero kaysa sa kanilang kalesa dahil makukulay ang mga suot nilang "Camisentro Tsino", Ayon pa kay Liong, ang pagsakay ng kalesa ay hindi madali.
Ang pag-operate ng kalesa ay mas mababa dahil ang kailangan lang naman ay at grass, muscado,rice ban. Sa pagtatapos ng artikulo, nabanggit na 30 to 50 centavos lamang ay maiikot na ang buong Chinatown at kung hanggang Luneta nama'y 1.50 to 2.00 bawat oras.
Sa letsgophilippines na blog ay inilahad ang ilang impormasyon tungkol sa kalesa. Ang kalesa ay kilala hindi lamang sa Pilipinas, maging sa ibang bansa gaya ng Spain na mas kilala ang kalesa bilang Rolls Royce. Sinasabi sa artikulo ng blog na ito na ang mga kalesa noon ay para lamang sa "high society people" at kung sino mang maka-afford na makasaky. Ngunit ngayon bihira na lamang ang makakita ng kalesa dahil ginagamit na lang ito sa mga "tourist spots" at mga probinsya. Inilahad din ng artikulo ng blog ang mga lugar kung saan makakakita ng kalesa: Intramuros, Binondo, Iligan, Angeles at Vigan. At ang pagsakay sa kalesa sa Intramuros ay 250 pesos round trip.
Ang mga kutsero mismo ay nasabing isa rin sa mga makikinabang sa pananaliksik na ito. Ito ay para sa kanila upang mas madagdagan pa ang kanilang nalalaman sa kanilang napiling trabaho.
Gayon din sa turismo at gobyerno, dahil ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kita ng mga kutsero na nakakapagbahagi rin sa turismo kaya kahit pa paano ay sinusuportahan sila ng gobyerno. Ang paraan ng pagtulong sa kanila ng gobyerno ay sa paraan ng pagbibigay ng pondo. Departamento ng Turismo ang ispesipikong sangay ng gobyerno ang tumutulong sa mga kutsero.
Ito ay para na rin sa mga Pilipino dahil kung wala ang mga mamamayan, wala nang anumang rason na ipagpatuloy pa ng mga kutsero ang kanilang trabaho. Alam ng mga mamamayan na kahit paano ay nakakatulong sa kanila ang mga kutsero sa transportasyon. Kaya ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng iba't ibang impormasyon, tulad ng pamasahe, limitasyon ng mga kabayo, at iba pa, bago sumakay ang mga tao sa kalesa.
Kasabay ng paglipas ng panahon, ang kalesa ay makikita na lamang sa iilang lugar sa Pilipinas dahil sa mga pagbabagong dulot ng modernisasyon, pangunahin na dito ang mga pedicab. Higit na naaapektuhan ng mga pagbabagong ito ang mga kutsero. Ang kita ng isang kutsero ay nakasalalay sa dami ng mga pasaherong kanyang naisasakay bawat araw na siyang ginanagamit niya upang matustusan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya. Kung kaya't ang pag-usbong ng mga pedicab bilang panibagong kakumpetensiya ng mga kutsero ay lubos na nakakaapekto sa kanyang kita. Mapapansin na mas pabor ang mga tao na sumakay sa mga pedicab kaysa sa kalesa dahil mas mura ang pamasahe dito. Ngunit sa kabila nito, ang uri ng hanapbuhay na ito ay nakatutulong pa rin sa pagpapalaganap ng turismo sa bansa sa pamamagitan ng patuloy na pag-eendorso nito sa mga tao.
Ang pangunahing pagtutuunan ng pansin ng pananaliksik na ito ay ang kita ng kutsero noon at ngayon . Saklaw din ng pananaliksik na ito ang mga dahilan sa pagbabago ng kita ng kutsero. Sa aspekto ng pananalapi, ang mga mananaliksik ay hindi gagastos ng higit sa tatlong daan.Sa paglilimita ng panahon, ang mga mananaliksik ay mayroong isang lingo sa pangangalap ng datos at kasama na sa isang lingo ang papunta sa lunan na nabanggit sa Metodolohiya, sa Intramuros.
I. Daloy ng Pag-aaral
Ang unang bahagi ng pananaliksik ay ang Pasakay naman Mamang Kutsero. Ang pinag-uukulang pansin sa bahaging ito ng pananaliksik ay ang mga pangunahing impormasyon sa pag-aaral na ito tulad ng panukalang pahayag, introduksyon, layunin, halaga, balangkas, metodolohiya at saklaw ng pag-aaral. Ang mga impormasyong ito ay kinakailangan upang matukoy ng mga mambabasa ang pakay ng mga mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Kaugnay din nito, ang mga mambabasa ay magkakaroon ng pahapyaw na pagkakaunawa ukol sa nasabing pananaliksik na makakatulong sa kanila upang lubos na maintindihan ang mga susunod pang tatalakayin sa pananaliksik.
Ang ikalawang bahagi naman ng pananaliksik ay ang Pagkilala kay Mamang Kutsero. Ang bahaging ito naman ng pananaliksik ang siyang pinakamahalaga sa lahat bukod pa sa konklusyon dahil dito napapaloob ang katawan ng buong pananaliksik. Kabilang dito ang historikal na aspeto o pinagmulan ng nasabing paksa at ang mga datos na kinakailangan sa pagsusuri at pagpapatunay sa pag-aaral. Kinakailangan ang mga impormasyong ito upang matiyak ang kredibilidad ng pag-aaral. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng masusing pag-aaral ukol sa paksa batay sa mga datos na nakalap na maaaring suriin ng mga mambabasa at makatulong sa mas malalim pang pag-unawa sa pananaliksik.
Ang huling bahagi ng pananaliksik ay ang Swak ang Kita ni Mamang Kutsero. Ito ang bahagi ng pananaliksik kung saan bibigyang pansin ang konklusyon ng mga mananaliksik sa kanilang naisagawang pag-aaral. Sa bahaging ito rin aysusuriin nang husto ang mga nakalap na datos. Pagkatapos masuri ang mga datos ay dito na rin ihahayag ng mga manaliksik ang kanilang huling konklusyon sa kanilang pag-aaral o ang pagpapatunay ng kanilang panukalang pahayag. Ang bahaging ito ng pag-aaral ang siyang nagiging batayan kung naging matagumpay ba ang nasabing pananaliksik o hindi.
II. Pagkilala kay Manong Kutsero
A. Panimula
Mang-ilan-ilan sa mga Pilipino ang hindi nakakaalam kung ano ang Kutsero dahil mas alam nila ang Kalesa (gamit ng Kutsero). Ang Kutsero at Kalesa ay impluwensya ng mga Kastila sa mga Plilipino, isang magandang impluwensya. Dati'y pangunahing pangtransportasyon ang kalesa, tulad ng pagpunta sa palengke, Kalesa ang ginagamit. Ngunit ngayon, pili na lamang ang lugar kung saan makakakita ka ng Kutsero at Kalesa; sa Binondo, Vigan at Intramuros. Kung noon ay pangunahing pangtransportasyon ang kalesa, ngayon ay mas kilala na lamang ito sa pagpapaunlad ng turismo. Ang kutsero ay hindi maaaring mahiwaly sa kalesa kung kaya't ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Kutsero, upang makilala ang kutsero ng hindi kasama ang kalesa nito.
B. Katawan
Ayon sa nagawa ng mga mananaliksik na panayam madaming salik ang kinakaharap ng mga kutsero sa pang araw-araw na pamumuhay. Madaming salik ang dapat isaalang alang ng kutsero tulad ng kondisyon ng kanyang kabayo at pati na rin ng kanyang kalusugan. Nabanggit din sa kanilang panayam ang mga suliranin na kinakaharap ng mga kutsero sa daan, isa na ang mga aksidente, tulad nang pagbaligtad ng nasabing kalesa. Nasabi din ang mga pagbabago na nangyari sa kita ng mga kutsero sa paglipas ng panahon, gawa ng madaming pagbabago tulad ng pagkakaroon ng mas bagong mga sasakyang pangtransportasyon mas nababawasan ang mga kita ng kutsero. Ang pangunahing kakumpetensya ng mga kalesa ay ang mga pedicab, dahil sa mas murang pamasahe dito ay mas tinatangkilik ito ng mga tao. Sa ngayon, ay nagsisilbing pang turismong atraksyon na lamang ang mga kalesa, ito’y mabentang mabenta sa mga turista at para sa ating mga Pilipino bihira na ang mga pagkakataong makasakay sa nasabing sasakyan. Ang ilang mga kababayan natin ay nakakasakay na lamang sa kalesa dulot ng mga field trip at pamamasyal. Nasabi sa panayam na ang kita ng isang kutsero ay sapat pa rin sa pang araw-araw na pamumuhay kahit na naapektuhan ito ng mga pedicab at kahit mayroong suliranin, nasabi pa rin nila na masaya sila sa napiling trabaho.
III. Swak ang Kita ni Mamang Kutsero
A. Pangwakas
Batay sa naisagawang panayam at mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, ang trabaho ng isang kutsero ay hindi madali dahil sa mga umusbong na kakumpetensiya nito sa paglipas ng panahon. Ang isa sa mga ito ay ang mga pedicab. Bagamat mahigpit ang kanilang kumpetensiya sa panahon ngayon, sapat pa rin ang kanilang kinikita upang tustusan ang mga pangaraw-araw na pangangailangan. Malaking tulong din ang nagagawa ng kanilang trabaho sa pageendorso ng turismo sa ating bansa. Ang pagsakay sa kalesa ay masasabing hindi katulad ng pagsakay sa pampublikong sasakyan gaya ng dyip, traysikel o pedicab. Kung ikukumpara sa iba ay mas mahal ito . Ang kita rin ng mga kutsero ay naapektuhan ng laki ng kalesa. Buhat nito hindi nagagawang pumasok sa eskinita at sa mga maliliit na daanan. Ang kalesa din ay mas mahihirapang bumagtas ng trapiko dahil hindi nito magawang magpasikot-sikot kung kinakailangan.
B. Konklusyon
C. Rekomendasyon
Ang pananaliksik na ito ay pinatutunguhan ang mga susumusunod:
mga source:
http://blogs.inquirer.net/beingfilipino/2009/01/13/my-conversations-with-a-kutsero/
http://www.mb.com.ph/issues/2005/01/16/MTNN2005011626488.html
http://letsgotophilippines.blogspot.com/2007_07_01_archive.html
sana'y naappreciate nyo ang aming BLOG...dugo at pawis ang tangi naming inalay upang gawin ang blog na ito...xD
ReplyDeletegrabe! wala ako masabi sa blog na ito.. napakahusay ng mga mananaliksik! :D
ReplyDeleterock on!
hye....
ReplyDeleteTEAM KUTSERO 'd best!!! :D
ReplyDeletedito din saamen meron nyan.dapat lang na alagaan naman nila ng maayos yung kabayo.minsan kawawa e Sakit.info
ReplyDeleteThe Best Casino in the UK for 2021 | DrmCAD
ReplyDeleteIt's no secret 충주 출장안마 that UK 성남 출장마사지 players can't wait to find the best casino in the UK for their needs. 이천 출장마사지 From popular 용인 출장마사지 online slot games to 전라남도 출장안마 more games and